Isang malamig na gabi ganap na alas-syete, ika 2 ng oktubre 1994, isang nanay ang kasalukuyang nanganganak na nag-ngangalang Ruby Latoza. habang si Sergio Latoza ay ang ama ng batang ipinapanganak ay magkahalong sabik at pag-aalala ang nararamdaman. Sobrang hirap ang dinaranas ng ina dahil matagal lumabas ang bata. Nang lumabas na ang ulo ng bata, hinila ng kumadrona ang ulo ng dahan-dahan, pero ayaw paring lumabas. kaya naman umire ng malakas ang nanay kasabay ang paghila sa sanggol.At sa wakas lumabas na ang sanggol. Pinangalanang itong Arjay M. Latoza at ako ang batang iyon. Masayang-masaya ang aking mga magulang ng akuy masilayan siguroy dahil ako ang una nilang anak at sabik na sabik na nila akong maalagaan. ako daw ay malusog noong isinilang dahil nasa tiyan pa lang daw ako ay alagang-alaga na ako. Ni minsan daw hindi ako pinainom ng gatas mula sa baka, lahat ng gatas na ininom ko ay galing sa aking ina. Halina at alamin natin ang buhay ko nang akoy mag-kaisip na.
Noong akoy apat na taong gulang ay tinuruan na akong magsulat ng aking pangalan para sa nalalapit kong pagpasok sa kinder garten. Hirap na hirap na ako noon sa pag-susulat at nagkakanda-iyak pa ako dahil napapagalitan ako ni Ina. Buti na lang at mabilis akong natuto. mayroon akong isang kapatid ang pangalan niya ay Aldwin Gio Latoza.
Fieldtrip namin noong kinder |
Nagsimula na ang kabanata ko ng pumasok ako ng kinder garten sa Soledad Day Care Center ng akoy limang taong gulang. Marami sa mga kaklase ko ay umiiyak kapag napansing wala ang kanilang magulang. Dahil takot sila at gusto nila na lagi silang binabantayan. Pero akoy hindi umiiyak noon dahil matapang ako at nakakaya kong mag-isa. Pagka-uwi ko sa amin galing sa eskwelahan, agad kong ipinapakita kay Ina ang stars at very good sa aking notebook.Natutuwa naman sian Mama at Daddy dajil ang galing ko daw. Nakakatulong pa sa akin ng malaki ang palagiang pagtuturo ni Mama ng mga inaaral namin kaya lalo akong gumagaling. ang hindi ko malilimutan ay noong ako ay kinder ay laging bukas ang zipper ko dahil nalilimutan kong isara pagkasuot ko ng shorts. Buti na lang walang nakakapansin. Nagtapos ako ng kinder na 1st Honor sa aming klase. Naganap ito noong ika-18 ng Marso taong 2000 sa Liceo De San Pablo. Hindi ko masyadong naramdaman yan dahil totoy na totoy pa ako noon, basta ang alam ko lang proud sa akin ang mga magulang ko.
Dumating na ang buwan ng Hunyo, pasukan na naman, Nag-enrol ako sa Grade 1 Ngunit hindi ako tinaggap dahil dapat daw anim na taon na bago mag-grade 1. Kaya napagpasyahan na mag kinder muli ako. Sa ikalawang pagkakataon nag-aral ulit ako sa Day Care Center. Pero makaraan ng limang buwan ay tumigil na ako at inantay ko na lamang na magpasukan ulit. Nag-aral na akong magbasa sa pamamagitan ng abakada na tinuro sa akin ni Mama.
Kaarawan ko noong ika-pito at picture ko noong gumaraduate ako ng kinder |
Anim na taong gulang ako ng akoy pumasok ng grade 1 sa Soledad Elementary School. Ganun parin nakakakita ako ng mga kaklaseng umiiyak kapag nappansing wala na ang kanilang mga magulang.Masaya nag unang araw ko sa grade1 dahil nasagot ko ang tanong ng guro namin " Anong bansa ang ating kinalalagyan" ang sagot ko ay pilipinas.. at tama naman ito.. kaya very good agad ako kay Mam. Kaya ko alam na pilipinas dahil noong ako ay naglalaro noon ng holen tinanong ko ang kalaban ko "saan ka?" sumagot ang kanyang kapatid " syempre nasa pilipinas parin" kaya tumatak na sa isipan ko na ang salitang Pilipinas.Hindi pa rin nagsasawang turuan ako ni Mama sa aking mga aralin. Itinatak na nya sa aking isipan na kailangan mag-aral upang makakuha ng mataas na marka. Nagtapos ako ng Grade I na 1st achiever. Kahit akoy Grade I pa lang ay may crush na ako sa iskul. Siya ay si Joanna Rose M Garcia. Isa rin siyang matalinong mag-aaral dahil sa gabay ng kanyang mga magulangna parehong guro. Ang Nickname niya ay Joan. Nahihiya akong kauapin siya kaya hindi kami naging close. Grade II na ako nang inamin ko sa buong klase na si Joan ang crush ko. Simula noon palagi na akong niloloko ng aming mga kaklase kaya lalo akong nahiya kay Joan. Ang Guro namin sa Grade II ay si Mrs. Gadil, napakasipag at magaling magturo. Kaya naman lalo pa akong nagsipag sa pag-aaral. nagtapos ako ng Grade II na 1st Achiever. Tila pinaglalapit kami ng tadhana ni Joan noong Grade III dahil noong intrams siya ang muse at ako naman ang eskort niya kaya naman nang pumarada ay magkahawak ang aming kamay sa paglalakad.Tuwang-tuwa ako noon dahil ang tagal naming magkahawak ng kamay.Tulad ng dati nagtapos ako ng grade III na 1st achiever sa aming klase kaya kasama ako sa recognition . Noong Grade IV naranasan ko ang ang makipag-away dahil pinag-sama na ang section A at B kaya naging magulo. Halos araw-araw akong may nakaka-away dahil mabilis kaming magalit at lagi akong niloloko.Pero lagi ako umiiyak noon dahil ang lalaki ng mga nakakalaban ko. Hindi yun nakakaapekto sa pag-aaral ko nakatapos parin akong GradeIV na 2nd Achiever.
Takot na takot ako noong akoy tumuntong ng Grade V dahil magiging guro namin ang pinakamataray na guro na si Mrs. Del Rosario. Sa takot g isa kong kaklase lumipat siya ng ibang iskul at doon nagpatuloy ng pag-aaral.Pero ng makilala ko siya ng lubusan, style lng pala niya ang pagiging mataray sa pagtuturo ang totoo mabait siya."napakabait ko kapag ang istudyante ay mabait din pero kapag ang estudyante ay makulit, tarantado mas tarantado ako sa kanila" sabi ni Mam.Nakatulong ang pagkatakot para lalo akong mag-aral ng mabuti. Nagsikap ako na pataasin ang mga marka ko para tumaas ang rank, ngunit mahigpit talaga ang labanan kaya hindi ko nagawa maangatan sila. Nagpapasalamat parin ako dahil pang-apat ako sa pinaka-magaling sa klase.
Ang pagiging Grade VI ang diko malilimitan dahil napakaraming pangyayari ang matatawag mong swerte. Isa na ang muling paglalaro ng tadhana sa aming dalawa ni Joan dahil buong taon magkalapit ang aming upuan kaya napasambit na lamang ako ng "Ang tadhana nga naman".
Si Joanna Rose M. Garcia |
Tulad ng dati nahihiya rin akong kausapin siya dahil kapag magsasalita na ako lumalakas ang kabog ng aking dibdib kaya di ko na nasasabi. Napagpasyahan ko noon na gumawa ng isang love letter na nakapaloob dito ang pag-amin ko sa kanya ng aking nararamdaman, dahil sa nahihiya talaga ako, hindi ko ito naibigay ng harapan. inilagay ko na lamang ito sa loob ng kanyang bag. At nang kinagabihan nagtext ako sa kanya kung nakita niya ang sulat sa bag niya. ang sagot niya. " OO nakita ko at nabasa ko na.". Natutuwa ako sa pangyayaring iyon na tila ba kinikilig. Ang pangalawa ay ang paglaban ko sa journalism (district) Nakuha ko ang unang Pwesto sa sports writing. Iyon ang una kong nakamit na medal nong akoy nasa elementarya pa lamang.Magkahalong galak at kaba ang naramdaman ko sa pagkapanalo kong iyon. Ang pangatlo ay ang paglaban ko sa sports na badminton,magagaling ang mga nakakalaban ko ngunit hindi ako nagpahuli umuwi parin ako na may karangalan, pang apat ako sa ranking.at ang huli ang pinaka swerte sa lahat, nakagraduate ako ng elementarya sa Soledad Elementary School ng may Honors.
Ang pagkuha ko ng diploma |
Ako ang second Honorable mention sa aming magkaklase.Walang pagsisidlan ng aking tuwa at saya na aking nararamdaman sa pangyayaring iyon.Kaya pinangako ko sa aking sarili na mas pagbubutihan ko pa ang aking pag-aaral sa High School.
Ang Dizon High |
Mataas ang markang nakuha ko sa aking card kaya kumuha ako ng entrance exam sa Science Curriculum. Hindi ako pinalad sa una kong pagkuha dahil hindi ako pumasa.Kaya napagpasyahan kong kumuha muli. Sa awa ng Diyos, pumasa ako Ang School na ito ay ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Kaya dito ko napagpasyahang pumasok dahil sabi ng tiya ko magagaling ang mga Guro lalo na kung nasa Science Curriculun ka at saka public lamang ito kaya walang tuition fee.
Ang hindi ko malilimutan sa pagiging High School ay ang pagkakaroon ng ng mga kaibigan na tumutulong sa akin buuin ang tiwala sa sarili at maging socially fit. nakakatulong ito ng malaki sa aking pakikipagkapwa tao. Sa kanila din ako natututo sa paggamit ng computer, paglalaro ng computer games at ang madidiskarteng paraan.Isa sa computer games na hanggang ngayon ay nilalaro pa namin ay ang DOTA ( Defense of the Ancients) Ito na yata ang larong hindi nakakasawa., mapa-bata o matanda ay naglalaro nito. sa Dota ay kinakailangan ng teamwork at husay sa paggamit ng inyong character.
Noong lumaban ako ng Mr. & Ms. Intrams |
Mr & Ms. Intrsms |
Mr &Ms. Olympics |
Palagi din akong lumalahok sa Lakan at Mutya sa aming paaralan at doon ko napatunayan na pogi talaga ako at naging sikat din ako dahil marami ang nakakakilala sa akin.
Naranasan ko din ang maging supporting actor dahil noong akoy nasa 2nd year ako ang napiling gumanap bilang si Aladin. Sa tulong ni Sir Roque nasungkit namin ang first place at ako ang tinanghal na best Aladin sa aming dula-dulaan.
Ang Scyber Phoenix |
Pagtungtong ko ng 4th year naging dancer naman ako. Nagkaroon ng cheerdance competition sa buong 4th year. Ang nagturo sa amin ng sayaw ay si Lhayrin Ignacio na nagtapos din sa paaraan ng Dizon. Nasungkit namin ang ikatlong pwesto, proud kami dahil kahit kami ay kakaunti, nagawa parin namin ng maayos ang sayaw.
Si Claire at Ladilyn |
Si Claire |
Sabi nila hindi daw kumpleto ang high school mo kapag hindi ka nagkaroon ng kasintahan. First year pa lang ay crush ko na si ladilyn Abrigo hanggang sa maging 3rd year kami. Nagustuhan ko siya dahil siya ay mabait, maganda, matalino at magandang magdala ng damit.Nagtapat ako sa kanya pero nabasted ako " mas priority ko ang pag-aaral kaya huwag ma nang ituloy ang panliligaw mo sa akin dahil ayoko ng may pina-paasang tao" wika ni Ladilyn. Naging Magkaibigan na lang kami. Naging malungkot ang lovelife ko noon. Biglang may dumating sa buhay ko na nag-ngangalang Ma. Claire Cuaresma. Siya ay maganda, cute, masipag, matalino, maganda ang pisngi at mata at mabait. Aaminin ko noon na noong una ang mahal ko ay ang pagmamahal pero unti-unti natututunan kong mahalin si Claire. Naging seryoso ako sa kanya at pinayagan nya akong manligaw sa kanya. Dahil First time ko manligaw nahirapan ako ng husto, pero habang tumatagal nasasanay na rin ako. Doon ko naranasan ang maging inspired. Mas masarap pa lang gumising kung lagi kang inspired dahil lahat ng ginagawa mo ay lumalabas na maganda. tatlong buwan akong nanligaw sa kanya at napakaraming unforgetable moments ang nangyari. Una Dec. 27, 2009 nagkita kami para patunayan na seryoso ako sa panliligaw. Sabay kami noon gumawa ng project sa english. at ng magpasukan na ulit ng january, araw-araw kaming magkasabay sa hapon pag-kaawas at tuwing weekend magkatext naman kami. naging close naman kami sa isat-isa. January 13, 2010 nagpunta kami sa sampalok lake. at kami ay nag-bike. Magkatabi kami sa side car at ang driver ay si Marvin. Kasama namin noon ang aming ibang kaklase. February 12, binigyan ko siya ng teddy bear. regalo ko iyon sa Valentines. February 13 at 14 naganap ang unang JS Prom namin. Maraming beses ko siyang isinayaw at naging masya kami. Feb. 26, may concert na naganap sa Iskul. di ko yun malilimutan dahil mula ng magsimula hanggang sa matapos ay magkasama kami. May 1, 2010 nang ako ay kanyang sagutin. masayang-masaya ako noon at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nanghinayang ako sa aming relasyon kasi hindi kami nagtagal. Kaya ngayon magkaibigan na lang kami pero masaya ako dahil siya ang naging first girlfriend ko at tinuruan niya ako kung paano ang mag-mahal.
Napakasaya talaga ng buhay High School dahil nararanasan ko ang maging model, singer, dancer, actor at saka maging suitor. At dahil doon napaunlad ko ang aking kakayahan, marami akong natutunan na napakalaki ng naitulong sa aking paglaki.
Disyembre 20, 2010 Nangyari ang di ko malilimutang masamang karanasan. Habang ako ay naglalaro ng basketbo, aksidenteng nasundot ang mata. Labis akong nangamba dahil dumugo ito. Dali-dali akong dinala sa isang opthalmologist para suriin ang aking mata. Mayroon lang daw yun napunit na muscle sa mata kaya dumugo ito at hindi naman daw iyon nakakabulag. isang linggo ko iyong pinagaling at sa awa naman ng Diyos ay hindi lumabo ang aking paningin.
Nawa'y nagustuhan ninyo ang aking Talambuhay. Abangan ninyo ang susunod ko pang kabanata na aking isusulat din sa blog na ito.