Sabado, Pebrero 12, 2011

Mundo ng Dizonian

Courtesy of google.com

     Sa isang maunlad na bayan na kung tawagin ay Dizonian, masayang namumuhay ang mga mamamayan. Mayroong mga hindi ordinaryong tao, dala ng mga makabagong imbensyon. "Alchemist" ang tawag sa kanila na gumagawa ng mga spell bilang kanilang panlaban sa mga nagnanais sumakop ng kanilang bayan. Super " Hi-Tech" ang bayan nila, isa sa mga patunay ang sasakyan. Mayroong "Cyberboard" na umaandar sa ere ng mabilis, kotseng lumilipad at "UFO" na kayang mag-"travel" sa outerspace.
     Hector ang pangalan ng pinuno ng bayan ng Dizonian na pinakamakapangyarihan. Bukod sa Pagiging matapang, mahusay din siyang mamuno at makipag-laban. Ipinatawag ni Hector ang mga alchemist na kung tawagin ay "Budweiser". Binubuo sila nina Gregor, may kakayahang gumawa ng isang malaking shield para hindi makapasok ang mga kalaban, Si Lindon, pagmamay-ari niya ang isang higanteng espada, kaya nitong humati ng bakal, ang nag-iisang babae sa grupo nila ay si Aleria, may makapangyarihang pana, ito ang kanyang ginagamit sa pakikipaglaban, Si Giano naman ang pinakabihasa sa paggamit ng "Spell Magic", halos umabot na sa limang daang libo ang kanyang kabisado at ang huli ay si Clark, siya ay mahilig sa mga puzzle game kaya naman ang kanyang sandata ay naiiba ng kaanyuan at gamit, ang tawag dito ay assemble weapon at may lima itong kaanyuan, ito ay ang hook, cyberboard, gauntlet, broadsword, at kakaibang pana.
     Nandito kayo upang ipag-bigay alam ang kaguluhang nangyayari sa karatig bayan. napag-alaman ko na kagagawan ito ng salamangkerong si Eliazar na walang ginawa kundi manakop upang maging makapangyarihan. "Dapat maging handa tayo sa kanilang pagsalakay" wika ni Hector." handa kaming makipag-laban", sabay-sabay na bigkas ng lima. " kailangan nating gumawa ng plano", wika ni Landon. Ayon kay hector, si Gregor ang bahala sa pagprotekta sa buong bayan at ang gagawin ng apat ay magtutulungan na talunin ang mga kampon ng kasamaan kung sakaling makakapasok sila.
     Dumating na ang araw na kinatatakutan ng bayan ng Dizonian. Ang paglusob ng kampon ni Eliazar. Sila ay galing pa sa "Planetang Excaliber" at ang tawag sa kanila ay outlaw. Kasama nila ang ibat-ibang klase ng robot at sasakyang panghimpapawid. Gumawa ng malaking protective shield si Gregor sa buong bayan upang hindi makapasok ang mga kalaban. Ngunit sadyang malakas ang pwersa ng mga kampon ni Eliazar. Nasira nila ang malaking harang na pumuprotekta sa bayan. Bago pa man tuluyang masira ang protective shield, ikinalat na sa buong bayan ang mga tangke na may pambihirang lakas na mga missile.
     Tuluyan ng nasira ang mga protective shield. Isang hudyat ang narinig nila sa pinuno ng bayan. " Ihanda ang missile at pasabugan ang mga kalaban".Nagkagulo sa buong bayan, marami ang nasawi ang ibang tao naman ay nasa pangangalaga ni Hector dahil agad sila nakalikas. Nanginginig sa takot ang mga mamamayan at ang mga bata ay nag-iiyakan." Huwag kayong matakot hangga't akoy nabubuhay ay mananatili kayong ligtas", ani Hector.
      Inisa-isang pasabugin ni Aleria ang mga sasakyang panghimpapawid ng mga kalaban. katulong niya si Clark, ang may pambihirang sandata." papalitan ko ang aking sandata gagawin ko itong kakaibang pana nang sa gayon ay mawasak ko ang mga sasakyang lumilipad ng mga kalaban", sabi ni Clark." Tama ang naisip mo, magtulungan tayo para mapadali", Tugon ni Aleria. Pana dito, Pana doon, Pagod na pagod ang dalawa Dahil napakarami ng mga ito. Mabuti na lamang at dumating si Hector at tinulungan sila sa pagpuksa ng mga sasakyang pang-digma.
     Sa kabilang dako naman ay magkakasama sina Lindon, Giano, at Gregor.Kalaban nila ang mga naglalakihang robot na may malalakas na bazooka at kanyon. Sinisira nila ang buong bayan.Gamit ang mga higanteng espada, binibiyak at hinahati ni Lindon ang mga robot bawat paghati niya ay isa-isa itong sumasabog. Nagtutulungan naman sina Giano at Gregor, Habang si Giano ay gumagawa ng spell magic, nakakulong naman sila sa circular protective shield para maayos na mai-cast ang spell. Isa sa pinakamalakas ay ang "Rekriem" Ito ay may kakayahang pasabugin ang mga kalapit na bagay.
      Sa pagtutulungan ni Hector at ng Budweiser ay nagapi nila ang mga kalaban hanggang sa matira na lamang si Eliazar.
      " Sumuko ka na Eliazar!", " Dahil hindi mo makakayang sakupin ang bayan ng Dizonian", galit na wika ni hector.
     " Akala nyo ba ay matatakot nyo ako?", Isa akong makapangyarihang kampon ng kasamaan at wala sa bokabularyo ko ang sumuko" at si eliazar ay humalakhak. " Mga hunghang! Akala nyo ba ay ganon na lamang ako susuko?", " kasama na ang lahat ng aking pinag-hirapan?", " Dyan kayo nagkakamali, dadaan muna kayo sa aking bangkay", " Ngunit ikinalulungkot ko mga mahal kong kaaway, hindi ko na yon hahayaang mangyari pa", mabagsik na tugon ni Eliazar.
     Itinaas ni Eliazar ang kanyang ginintuang espada. Isang matalim at makapangyarihang kidlat ang bumaba mula sa madilim na kalangitan. iyon ay patungo sa kinalalagyan ng magigiting na mandirigma. kaagad gumawa ng shield si Gregor at hinarangan nito ang paparating na kidlat. tumalbog ito at tumama kay Eliazar at bahagyang  naghina. Sa isang iglap ay sabay-sabay na sinugod at pinagtulungan si Eliazar, Ngunit naging makapangyarihan si Eliazar kaya nahirapan ang mga alchemist. Ngunit hindi sila sumuko at patuloy silang nakipaglaban. Maya-mayay namalumaan si Gregor, naputol ang kanyang braso at may malaking sugat naman sa likod si Clark.Tumindi ang galit ng mga alchemist sa pangyayaring ito. dahil sa katalinuhang taglay ni Clark, napansin niya ang kahinaang taglay ni Eliazar. Ito ay ang sentrong bahagi ng katawan ni Eliazar. Sabay-sabay nilang inasinta ang bahaging iyon. Sapul!!! Tumumba si Eliazar. " Nasa amin na ngayon ang huling halakhak. Paalam na sa iyo aming kaibigan", ani Hector, Sabay tarak ng kanyang espada sa makapangyarihan at mapaniil na si Eliazar.
      Nagtagumpay sina Hector at ang Budweiser sa paggapi sa mga kalaban. gamit ang pitong "Dragon Ball" Humiling sila kay Slardar na ibalik sa ayos ang mga nasira at buhayin muli ang mga nasawi sa kaguluhang nangyari sa bayan at nangyari ito sa isang iglap lamang.
      Muli ay naghari ang kapayapaan sa bayan ng Dizonian. Namuhay sila ng masagana, maunlad, walang takot at kaba sa puso at puno ng kagalakan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento